Translate this Poem

10/15/12

Walang Magawa (2003)

Isa sa mga pinaka unang tulang aking nagawa habang nasa high school ako. Sinali ko ang tulang ito sa poetry festival ng UP Baguio noong pumasok ako ng kolehiyo at ito'y nagwagi ng unang pwesto. Simpleng tula na tungkol sa isang umagang nakakabagot at walang magawa, kundi mambwisit ng nananahimik na tao.


Walang Magawa (2003)

by: Poet of Melancholy


Minsan pag walang magawa sa umaga
Titingin sa iyong mukha, biglang tatawa

Ikaw tuloy biglang maiirita
Tatakpan ang mukha ng panyo, lilingon sa iba

Pero tuloy parin ako sa pagngisi sa iyo
sa tingin ko tuloy, nagiinit na ang ulo mo

Mamaya-maya ay pikon ka na
Ikaw ay tatayo, umaalab ang mata
Lalapit ka sa akin at ako'y sasampalin
Tutumba sa sahig, tumatawa parin

(sira...)

No comments:

Post a Comment