Isang tula na aking nagawa habang nasa highschool kasama sa libro ko ng tula na ang pamagat ay Kung Wag Mo Lang Sabihin.
Ang alimuom ay kumapit na sa hangin
ang mga nagbabadyang ulap,
sa tuwing sasapit ang ulan
Ang nagaalimpuyong puso
bakas na sa langit,
sa pagkulim-lim ay dama ang matinding kalungkutan
sa tuwing sasapit ang ulan
Sa unang pagpatak ng kanyang luha
ay bumuhos ang kanyang damdamin,
ang kanyang pagtangis
sa ilalim ng malakas na ulan
Sa ilalim ng ulan
walang makakapansin ng kanyang pagluha,
sa lakas ng hangin at pagpatak ng ulan
walang makakarinig sa kanyang kalungkutan
Tanging sa ulan lang
siya nakahahanap ng masasandalan,
tanging sa ulan lang niya
naibubulong ang kanyang kalungkutan
Sa ilalim ng ulan
ay malaya siya at walang humuhusga
sa kanyang paghahanap ng makamundong pagibig,
Sa pagbuhos ng malakas na unos
tila ang langit ay nakikiramay
sa kanyang pagdadalamhati,
Ang dalagang naghahanap
ng masisilungan,
sa tuwing sasapit ang ulan...
Sa Tuwing Sasapit ang Ulan (2005)
Ang alimuom ay kumapit na sa hangin
ang mga nagbabadyang ulap,
sa tuwing sasapit ang ulan
Ang nagaalimpuyong puso
bakas na sa langit,
sa pagkulim-lim ay dama ang matinding kalungkutan
sa tuwing sasapit ang ulan
Sa unang pagpatak ng kanyang luha
ay bumuhos ang kanyang damdamin,
ang kanyang pagtangis
sa ilalim ng malakas na ulan
Sa ilalim ng ulan
walang makakapansin ng kanyang pagluha,
sa lakas ng hangin at pagpatak ng ulan
walang makakarinig sa kanyang kalungkutan
Tanging sa ulan lang
siya nakahahanap ng masasandalan,
tanging sa ulan lang niya
naibubulong ang kanyang kalungkutan
Sa ilalim ng ulan
ay malaya siya at walang humuhusga
sa kanyang paghahanap ng makamundong pagibig,
Sa pagbuhos ng malakas na unos
tila ang langit ay nakikiramay
sa kanyang pagdadalamhati,
Ang dalagang naghahanap
ng masisilungan,
sa tuwing sasapit ang ulan...
No comments:
Post a Comment