Translate this Poem

10/21/12

Nasaan (2008)

 Isa sa mga tulang naisulat ko dati na aking inayos ng kaunti nung ako'y nasa kolehiyo at aking dinagdagan ng kaunting mga linya. Tungkol sa mag asawang naghiwalay dahil sa panlalamig sa isat-isa, hango sa isang kaibigan.

Nasaan (2008)


Nasaan ka na ba aking sinta?
Sa tagal ng paghihintay sa iyong pagbabalik,
ang pagiisa ay naging kabahagi ko na
maski minsan ikaw ay naaalala,
natatakot akong minsa'y
mamanhid ang puso kong nagiisa

oo, hindi ko man aminin,
nababakas sa aking damdamin
ang sugat na iyong iniwan
sa iyong paglisan, matagal na panahon na ang nakararaan...
sa akin, tila kahapon lamang
ang aking mapait na nakaraan...

alam kong ni minsan ay hindi ka na babalik
para ako'y muling mahalin aking sinta,
subalit heto ako naghihintay
nakadungaw sa labas ng bintana,
bakas sa aking luha ang pagnanais
na muling makapiling
ang nagiisang taong minsa'y
sa akin ay nagbigay saya...

Lumayo ka man sa akin,
ang iyong pagibig ay pang habang buhay
kong dadalhin...




No comments:

Post a Comment