Isang tula na aking naisulat habang nakatingin sa isang taong aking sinisinta. Isa sa mga tulang aking pinasa sa isang poetry festival sa UP Baguio at nagwagi ng ikaapat na pwesto. Ginawan ito ng parody ng aking kaibigang si Mark Malimet na ang pamagat ay "Boso", kung saan imbis na ang bida ay pinagmamasdan ang kanyang sinisinta ay ito'y kanyang binobosohan. Ang kanyang bersyon ay naging patok dahil sa ito'y nakakatuwa, malayo sa seyosong tema ng orihinal na akda.
Sulyap (2004)
Ako'y sumusulyap sa iyong mukha
Minsan pasimple, ngunit minsan pahalata
Subalit sa pagtingin kailangan din dumiskarte
Kunwari'y di nakatingin, ako'y aarte
Ang kasiyahan ay umaapaw
Sa bawat matatamis mong mga ngiti at pagtawa
Sa aking panonood, nahihimbing ang aking mga mata
Subalit minsan ika'y gumaganti ng tingin
Ako'y napapatalikod, Iiling-iling
Kakabahan ang puso kong nerbyoso
Tatayo ng tuwid, biglang magseseryoso
Sana naman ay wag kang gumanti ng tingin,
Upang ako'y hindi mapansin
Hindi ko kasi kayang makipagtinginan sa iyo
Titingin lang pag ika'y nakatalikod,
Yun lang ang kaya ko...

No comments:
Post a Comment