Translate this Poem

10/21/12

The Carpet of Morpheus (2005)

Random poem included in my compilation Kung Wag Mo Lang Sabihin, written when I was still in high school...


The Carpet of Morpheus (2005)



why are they sad and weeping?
is there something left unsaid?
the sky is dark, its raining
I feel cold and the night is dead...

sleeping again
seeking comfort in my bed,
as my mind drifts away
chasing candy dreams in the highway

the road is dark
and there's no light to guide my path
these sweet dreams are over
and the cruelty of reality had snatched
these dreams away from me...

but even in the darkest roads,
still there is light
a light that guides those dreamers ahead,
a little glint of hope in the darkness,
reminding you to never give up...

(wake up...)

Nasaan (2008)

 Isa sa mga tulang naisulat ko dati na aking inayos ng kaunti nung ako'y nasa kolehiyo at aking dinagdagan ng kaunting mga linya. Tungkol sa mag asawang naghiwalay dahil sa panlalamig sa isat-isa, hango sa isang kaibigan.

Nasaan (2008)


Nasaan ka na ba aking sinta?
Sa tagal ng paghihintay sa iyong pagbabalik,
ang pagiisa ay naging kabahagi ko na
maski minsan ikaw ay naaalala,
natatakot akong minsa'y
mamanhid ang puso kong nagiisa

oo, hindi ko man aminin,
nababakas sa aking damdamin
ang sugat na iyong iniwan
sa iyong paglisan, matagal na panahon na ang nakararaan...
sa akin, tila kahapon lamang
ang aking mapait na nakaraan...

alam kong ni minsan ay hindi ka na babalik
para ako'y muling mahalin aking sinta,
subalit heto ako naghihintay
nakadungaw sa labas ng bintana,
bakas sa aking luha ang pagnanais
na muling makapiling
ang nagiisang taong minsa'y
sa akin ay nagbigay saya...

Lumayo ka man sa akin,
ang iyong pagibig ay pang habang buhay
kong dadalhin...




10/15/12

Sa Tuwing Sasapit ang Ulan (2005)

Isang tula na aking nagawa habang nasa highschool kasama sa libro ko ng tula na ang pamagat ay Kung Wag Mo Lang Sabihin.


Sa Tuwing Sasapit ang Ulan (2005)


Ang alimuom ay kumapit na sa hangin
ang mga nagbabadyang ulap,
sa tuwing sasapit ang ulan

Ang nagaalimpuyong puso
bakas na sa langit,
sa pagkulim-lim ay dama ang matinding kalungkutan
sa tuwing sasapit ang ulan

Sa unang pagpatak ng kanyang luha
ay bumuhos ang kanyang damdamin,
ang kanyang pagtangis
sa ilalim ng malakas na ulan

Sa ilalim ng ulan
walang makakapansin ng kanyang pagluha,
sa lakas ng hangin at pagpatak ng ulan
walang makakarinig sa kanyang kalungkutan

Tanging sa ulan lang
siya nakahahanap ng masasandalan,
tanging sa ulan lang niya
naibubulong ang kanyang kalungkutan

Sa ilalim ng ulan
ay malaya siya at walang humuhusga
sa kanyang paghahanap ng makamundong pagibig,

Sa pagbuhos ng malakas na unos
tila ang langit ay nakikiramay
sa kanyang pagdadalamhati,

Ang dalagang naghahanap
ng masisilungan,
sa tuwing sasapit ang ulan...







Anne (2005)

This poem is featured in our school newspaper, "The Carmelian" along with my other poem, "Ezalor" which has the same thought as this poem. This poem is inspired from a song by rivermaya titled "She" from the album between the stars and waves. Like the author's other poems, this one also has secret messages embedded in the poem.


Anne (2005)



Anne's eyes are so lovely
and soft,
Her stare is so gentle
while her mind is aloft

Her face was so fine,
That gives mirth
on where my heart consign

Her smile was filled with
blithe,
Like the sweet smell of an evergreen pine
Like the sunset at night,
in the heavenly thine...

She's like a star that
settles in the velvet sea
That's beyond the deep
And in the universe she's
free...

Like waves that long to kiss
the moon
when reached their
extremities
They'll be gone soon...

Oh how lovely, I long for
Her
And search for love
That was only there...

And the thought of how
lovely she cares....

Anne...

Ang Awitin ng Aking Pag-iisa (2007)

Masakit ang masaktan. Naisulat ng may akda dahil sa matinding kalungkutan.


Ang Awitin ng Aking Pagiisa (2007)


Sa una ay masaya
ngunit sa huli ay masasaktan ka,
sa oras na iyong nalaman
ang mapait na katotohanan,

na iba ang mahal niya

masakit isipin,
napakahirap tanggapin
na sa pagibig na iyong inaasam
ay wala palang patutunguhan

ang masaktan ka at umasa,
sa pagibig na kailanman ay
hindi niya nadama,

Ayoko nang umibig pa...

Ezalor (2005)

This is a poem I created for that special someone who is always there for me, my keeper of light. This poem is featured in the literary page of our highschool newspaper "The Carmelian" along with my other poem "Ann". This poem is written in standard sonnet format. The title is a direct reference to ezalor from defense of the ancients MOBA game.


Ezalor (2005)


i have known and love you eversince
and until now I still long for you,
how much have I given to see you again?
My secretly beloved and my friend
and by your lustrous beauty I behold!
your untiring gleam, my keeper of light!
even in the dim darkness of the night
you're always there to illuminate me,
And give me warmth to relieve my sadness
your smile always scintillates with mirth
and always sparkle with loving joy
that enraptures me very helplessly,
even my best poem pines for you
and never will I lose you again, now...


Sulyap (2004)

Isang tula na aking naisulat habang nakatingin sa isang taong aking sinisinta. Isa sa mga tulang aking pinasa sa isang poetry festival sa UP Baguio at nagwagi ng ikaapat na pwesto. Ginawan ito ng parody ng aking kaibigang si Mark Malimet na ang pamagat ay "Boso", kung saan imbis na ang bida ay pinagmamasdan ang kanyang sinisinta ay ito'y kanyang binobosohan. Ang kanyang bersyon ay naging patok dahil sa ito'y nakakatuwa, malayo sa seyosong tema ng orihinal na akda.


Sulyap (2004)


Ako'y sumusulyap sa iyong mukha
Minsan pasimple, ngunit minsan pahalata

Subalit sa pagtingin kailangan din dumiskarte
Kunwari'y di nakatingin, ako'y aarte

Ang kasiyahan ay umaapaw
Sa bawat matatamis mong mga ngiti at pagtawa
Sa aking panonood, nahihimbing ang aking mga mata

Subalit minsan ika'y gumaganti ng tingin
Ako'y napapatalikod, Iiling-iling
Kakabahan ang puso kong nerbyoso
Tatayo ng tuwid, biglang magseseryoso

Sana naman ay wag kang gumanti ng tingin,
Upang ako'y hindi mapansin
Hindi ko kasi kayang makipagtinginan sa iyo
Titingin lang pag ika'y nakatalikod,

Yun lang ang kaya ko...

The Unwithering Flower (2007)

Isang tulang tungkol sa isang manhid na tao. Inspired from Full Metal Panic! the voice used in the poem is female and the author used the pseudonym "Clarrisa Perez" in order for the poem to sound more appropriate and effective.


The Unwithering Flower (2007)


He's the most stupid thing
that had happened to my life,
the author of all my troubles
and never-ending mischiefs,
sometimes out of hand...

He had always made me angry
and from these instances, he had
caught my attention
and I'm always after him...

He's a complete mystery
and a complete idiot,
that is insensitive
and so, slow...

But from these seeds
that you've sowed,
these buds starts to bloom
and a new flower sprouts from
my heart...

Is this love???


Para Kang Panaginip sa Aking Pangungulila (2007)

Bakasyon mula sa kolehiyo at ako ay may nakilalang babae. Noong panahon na yun ay nabigo ako sa isang babae na aking nililigawan at nagkataon na nakilala ko siya at napawi niya agad ang aking pangungulila. Nang kanyang nalaman na ako'y isang manunula ay nagpagawa siya sa akin ng isang tula tungkol sa amin. Subalit sa bandang huli ay hindi naging maganda ang bunga ng aming relasyon at ito ang kinahinatnan...


Para Kang Isang Panaginip sa Aking Pangungulila (2007)



para kang
Isang panaginip sa aking pangungulila...

pansamantalang ligaya
walang katulad na saya
isang mahinhin kong dalangin
sa aking pagiisa

hindi ko na inisip
Maski hindi ka angkin,
ayos lang basta't mapunan ko lang

ang pagkukulang na nagpapahirap sa akin...

sa iyong paghinga, ako'y humihimbing
Oras man ay lumipas, hindi ko pinapansin
sa mundong iyong nilikha
walang ibang mahalaga

kundi ang oras na ating binibigay sa isa't-isa...

mga blanko kong pagsuyo
at pagabot sa iyong mga luho
pagmamahal kong di alintana
bawat oras, bawat pagkakataon

pagmamahalang di naisulat sa panahon...

pagmamahalang ni minsan di ko itinuring
Na bahagi ng aking kahapon...

paalam...

Walang Magawa (2003)

Isa sa mga pinaka unang tulang aking nagawa habang nasa high school ako. Sinali ko ang tulang ito sa poetry festival ng UP Baguio noong pumasok ako ng kolehiyo at ito'y nagwagi ng unang pwesto. Simpleng tula na tungkol sa isang umagang nakakabagot at walang magawa, kundi mambwisit ng nananahimik na tao.


Walang Magawa (2003)

by: Poet of Melancholy


Minsan pag walang magawa sa umaga
Titingin sa iyong mukha, biglang tatawa

Ikaw tuloy biglang maiirita
Tatakpan ang mukha ng panyo, lilingon sa iba

Pero tuloy parin ako sa pagngisi sa iyo
sa tingin ko tuloy, nagiinit na ang ulo mo

Mamaya-maya ay pikon ka na
Ikaw ay tatayo, umaalab ang mata
Lalapit ka sa akin at ako'y sasampalin
Tutumba sa sahig, tumatawa parin

(sira...)