Translate this Poem

3/14/18

Dapit-Hapon (2017)

January 14, 2017


Dapit-Hapon (2017)


Mabagal ang oras at panay
ang hamon,
sa nag-aagaw na dilim at
liwanag ng dapit-hapon,

Bawat linya't pintig ng
lumang makina,
puso'y napapalukso
sa himig ng mapait na musika,

Musikang umiindak
at itinutugtog,
Ng mga kamay na di inda
ang pagod sa bawat indayog,

Bawat galaw bawat kislot
bakas ang kalbaryong hinaharap,
Hindi man lang pwedeng magpahinga
ni isang kisap,

Baka kami'y iwan
sa isang iglap,
tungo sa kapayapaang
kanyang hinahanap...

(paalam)